DAVAO CITY – Kahit na hanggang Nobyembre 30, 2020 lamang ang ipinapatupad na General Community Quarantine (GCQ) sa lungsod, pinayohan pa rin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang publiko na patuloy pa rin na maghanda dahil sa posibilidad na palawigin pa ang nasabing quarantine hanggang buwan ng Disyembre.
Kung maalala muling isinailalim ang siyudad sa GCQ dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa Covid-19.
Sinabi rin ni Mayor Inday na mas mabuti kung nakahanda ang mga dabawenyo na susunod na classification ng quarantine na ipapatupad sa lungsod.
Kasabay ng pagbabalik sa GCQ, dagdag na security personnel naman ang ipapakalat sa lungsod upang matiyak na mapapatupad ang security protocols.
Sinabi rin ng alkalde na wala umanong mga establisyemento ang magsasara sa kasagsagan ng GCQ ngunit mahigpit na ipapatupad ang kalahating porsyento sa kapasidad ng mga empleyado nito.