DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na may ilang opisyal ng pamahalaan na nag-alok sa kanya na magiging running mate o bise presidente kung tatakbo sa pagka-pangulo ang alkalde sa 2022 presidential election.
Ilan sa mga pinangalanan ni Mayor Inday sina si Sen. Christopher “Bong” Go at Sen. Sherwin Sherwin Gatchalian.
Ngunit muli nitong itinanggi na ang naunang pahayag ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na nakipagkita sa kanya si Sen. Imee Marcos para sabihin na gusto nitong maging running mate ang mayor sa eleksiyon.
Huli aniya itong bumisita sa kanyang kaarawan noong buwan ng Mayo.
Kung maalala una na rin na bumisita sa lungsod si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro kung saan sinabi rin ni Mayor Inday na nag-alok rin ito na maging vice-president niya.
Sa kasalukuyan, hindi rin nito makumpirma ang naunang lumabas na impormasyon na may interes din na maging running mate niya sina House Majority Leader Martin Romualdez o Senator Sonny Angara.
Muli ring binigyan ng linaw ng alkalde na wala umano silang away ng kanyang ama na si Pangulong Duterte at ni Sen. Go ngunit ibinasura niya ang ideya na magta-tandem sila ng pangulo sa darating na eleksiyon.