-- Advertisements --
inday sara duterte
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

CEBU CITY- Dumalo ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sarah Duterte sa ika 450th founding anniversary ng Cebu Province.

Kaugnay nito, ibinunyag ni Mayor Sara na meron umanong ipapatupad na sisterhood agreement ang Cebu Province at Davao.

May kinalaman ito sa mga mga project ng bawat LGU na pwede i-share at kopyahin.

Sa panig umano ng Cebu Province kung saan plano ng Cebu Governor na si Gwendolyn Garcia na maibalik sa number one spot ang lalawigan na nagawa na niya noon. Bunsod nito, nais ni Sara na makakuha ng ideya mula sa Cebu para ma-apply naman sa Davao dahil hindi pa umano sila ng number one.

Habang, ipinagmamalaki naman ni Sara ang kanilang peace and order,Integrated Gender Development at ang kanilang agricultue sector bagay pwede rin ma-implement naman sa Cebu Province.

Samantala ng tinanong ang presidential daughter kung tatakbo itong presidente sa 2020, wala itong direktang sagot aniya busy pa umano ito sa Davao City at tanging ang panginoon nalamang umano ang magbibigay ng sagot.