Tatakbo sa pagkapangulo sa halalan sa susunod na taon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda.
Sinabi ni Salceda ang naturang pahayag matapos na bawiin ng presidential daughter ang kanyang certificate of candidacy (COC) para sa kanyang reelection bid kahapon.
Ayon kay Salceda, huli niyang naka-usap si Duterte-Carpio isang oras bago pa man nito bawiin ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Davao City.
Sa ngayon, hindi aniya option para kay Duterte-Carpio ang tumakbo bilang bise presidente.
Samantala, tinawag naman ni Salceda na “speculation” lamang ang napapabalitang pagtakbo umano ni Duterte-Carpio kasama si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos.
“I cannot say confirming but based on our long-running chats, kilometric chats–because I provided her with so many big data about her prospects– I think basically she will make a good president in the first place,” dagdag pa ni Salceda.