ILOILO CITY – Ikinatuwa ni Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas ang pag-dismiss ng Office of the Ombudsman sa ilang mga kaso na isinampa laban sa kanya.
Si Mayor Treñas ang nahaharap sa tatlong separado na reklamo na isinampa ni former City Civil Registrar Romeo Caesar Manikan Jr. at former City Health Officer Bernard Caspe.
Si Manikan ay nag-file ng criminal complaint para sa usurpation of authority or official functions, at administrative complaint para sa grave misconduct at grave abuse of authority laban kay Treñas at kay Assistant Department Head Cherrie Ampig noong Septyembre 16, 2019.
Ang isa pang complaint ay isinampa ni Manikan noong Nobyembre 13, 2019 laban sa alkalde at kay City Legal Officer Edgardo Gil para sa graft and misconduct charges noong siya ay pinaalis bilang department head ng City Civil Registry Office kasunod ng misconduct case laban sa kanya.
Si Caspe naman ay nag-file ng misconduct charges noong Septembre 4, 2020 laban kay Treñas at Khrystyl Marie Lampa.
Ayon sa Ombudsman, walang bastanteng ebidensya na na-present ang mga complainant.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Treñas, nagpapakita lamang ito na lumalabas parin ang katotohanan.
Aniya, kahit hindi siya nagtatanim ng galit, bukas parin siya sa posibilidad na gumawa ng legal na hakbang laban kay Caspe at Manikan.