-- Advertisements --

Nakiusap si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga mamamaayan nito at mga tao na huwag siyang padalhan ng mga larawan na mga tinuturukan ng COVID-19 vaccine sa mga puwetan.

Sinabi nito na natutuwa siya sa mga tao na nagpapadala ng mga larawan ng mga kababayan nito matapos na sila ay turukan ng mga bakuna sa braso.

Normal lamang aniya na mabakunahan sa puwet ang isang tao kapag ang isang indibidwal ay may tattoo sa kaniyang braso ay bawal na itong turukan.

Nagbiro pa ang alkalde na sa dami ng mga iisipin ay isinama ang pa ng pagpapaturok ng bakuna sa puwet.