-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ilang mga negosyante dahil sa pumayag ang mga ito na ipagamit ang ilan nilang gusali para gawing vaccination sites.
Dahil sa nasabing pagpapahiram ay madaragdagan ang bilang ng mga mababakunahan sa kada araw ng hanggang 6,000.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroon ng 16 na vaccination sites ang lungsod at anim lamang ang operational dahil sa nagkukulang ang suplay ng bakuna.
Aabot na kasi sa 35,000 doses ng bakuna ang kanilang naiturok sa mga residente ng Pasig City.