-- Advertisements --

Kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora na kinapitan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“My results came out today after a routine swab test yesterday evening, Feb. 28, ” saad ni Zamora sa isang pahayag.

“A confirmatory test was done today and the results turned out to be positive,” dagdag nito.

Sa ngayon, inihayag ng alkalde na hindi raw ito nakararanas ng anumang sintomas ng COVID-19 at maganda naman daw ang kanyang pisikal na kondisyon.

Sumailalim na rin daw si Zamora sa Cardinal Santos Medical Center sa Greenhlls, San Juan.

Hinimok naman nito ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha sa loob ng mga nakalipas na araw na magpasuri na rin.

“I’m very sorry for the inconvenience,” ani Zamora. “Please all stay safe.”