-- Advertisements --

Dinala sa ospital matapos mabaril ang mayoral aspirant na si Rolan “Kerwin” Espinosa sa Albuera, Leyte.

Nangyari ang pamamaril sa Barangay Tinag-an nitong Huwebes lamang ng hapon, habang sila ay nangangampanya.

Matatandaang si Kerwin ay self confessed drug lord na nagdiin kay dating Sen. Leila de Lima sa drug related case, ngunit kalaunan ay binawi ang testimonya.

Ang ama ni Kerwin na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa ay matatandaang napatay sa loob ng Baybay City Provincial Jail, matapos umanong manlaban.

Naging kontrobersyal ang naturang kaso at naalis ang mga otoridad na nakatalaga sa piitan nang mangyari ang insidente.