-- Advertisements --

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi apektado sa ngayon ang kandidatura ni Rep. Bingbong Crisologo bilang Quezon City mayoral candidate kahit ito ay kinasuhan na.

Una nang inaresto kagabi si Crisologo kasama ang kanyang anak na si Edrix Crisologo pati ang umaabot sa 44 na poll watchers dahil sa isyu ng vote buying sa Barangay Bahay Toro sa lungsod

Nilinaw naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa ngayon sa maikling panahon ay hindi maapektuhana ng kandidatura ni Crisologo kung ang kaso ay isyu sa obstruction of justice.

Aniya, hindi naman daw ito isang election offense.

Ang 80-anyos na kinatawan ng Quezon City sa Kamara at anak ay na-inquest na rin sa piskalya at ipinagharap nga ng reklamo sa kasong “obstruction of justice, unjust vexation, disobedience and resisting arrest resulting in physical injury and grave coercion” bunsod nang pag-alma sa mga arresting officers.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa nakakatandang Crisologo iginiit pa rin nito na naaktuhan ng mga pulis ay training sa kanyang mga poll watchers at walang vote buying.

Todo tanggi rin ang mambabatas sa alegasyon ng mga pulis at binatikos pa ang opisyal ng pulisya.

“Unang una there was no vote buying, kasi headquarters ko ‘yon, may watcher briefing, nagbibigay ng kits sa mga watchers… nagkataon na I went there for the rescue, isinama na ako,” ani Crisologo sa Bombo Radyo.

Una rito nagpalipas ng gabi sa Criminal Investigation and Detection Unit sa Quezon City Police District ang mag-ama kasama ang mga supporters.