-- Advertisements --

ROXAS CITY – Isinuko ng isang mayoralty candidate sa Capiz ang kaniyang mga baril sa himpilan ng pulisya.

Ito ang kinumpirma ni Captain Armando Clavaton, hepe ng President Roxas PNP sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon kay Clavaton, personal na tumungo si incumbent Mayor Receliste Escolin sa President Roxas Municipal Police Station upang i-turn-over ang kaniyang mga baril.

Ang naturang mga baril ay kinabibilangan ng isang M16 armalite rifle na loaded ng 17 mga bala at dalawang unit ng caliber .45 na mga loaded ng tig-walong mga bala.

Ayon kay Clavaton, isinuko ng alkalde ang kaniyang mga baril dahil hindi umano ito nakapag-renew ng kaniyang lisensiya.

Ikinatuwa naman nito ang naging hakbang ng mayor at umaasa itong pamarisan ng mga gun owners na walang kaukulang mga dokumento.