ILOILO CITY – Nagmatigas si dating Janiuay, Iloilo Mayor Frankie Locsin na hindi nito susundin ang ibinabang hatol ng Korte Suprema dahil sa paglabag umano nito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang nasabing desisyon ay nag-ugat sa pagbili ng gamot ng Local Government Unit (LGU) ng Janiuay, Iloilo na nagkakahalaga ng P15 million noong si Locsin pa ang umuupong alkalde ng nasabing bayan.
Ayon kay Locsin, hindi nito kailanman susundin ang perpetual disqualification ng Korte Suprema at hindi rin ito magpapakulong.
Dagdag pa ng dating alkalde, hindi pa niya natatanggap at ng kanyang abogado ang desisyong ng korte.
Maliban dito, may unresolved na motion for reconsideration pa umano si Locsin sa nasabing kaso. Nanindigan din ang dating alkalde na ang may kapanyarihan lang na magtanggal sa kanya bilang kandidadto sa mayoralty elections ay ang Commission on Elections at hindi ang Kataas-taasang Hukuman.
Samantala, sinabi naman ni Vice Mayor Jojo Lutero sa Bombo Radyo na hindi na kailangan ang order sa disqualification ng COMELEC.
Ayon kay Lutero, pinal na ang desisyon ng Korte Suprema at ang COMELEC na lang ang magpapatupad nito.
Napag-alaman na sina Locsin at Lutero ay ilan lamang sa mga mayoralty candidate ng Janiuay, Iloilo sa midterm elections.