-- Advertisements --
image 209

ROXAS CITY – Alam na halos ng mayorya ng mga residente ng Negros Oriental kung sino ang nasa sa likod sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at 8 pang sibilyan.

Ito ang naging pahayag ni Ms. Grace Agabon, Public Information Officer ng Negros Oriental Provincial Government ng mainterview ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon dito na matagal na ang intense political rivalry sa gitna ni Degamo at pamilya Teves, kung saan mas lumala pa ito nang nakabalik na sa kapitolyo at umupo bilang gobernador si Degamo noong Oktubre 5, 2022.

Naipaabot na rin ito ng namayapang gobernador kay former President Rodrigo Duterte na may natanggap na itong death threat pero hindi ito nabigyan ng kaukulang atensyon.

Sa kabilang dako, bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya Degamo kung saan libo libong mga tao ang pumunta sa kapitolyo kung saan pansamantalang nakaburol ang labi ni Governor Degamo.

Ramdam ng Negros Oriental ang kalungkutan sa pagkawala ng gobernador kung saan patunay ito ng mga taong bumisita na iba ang galing pa sa ibang lugar para lamang makita si Gov.Degamo. Napag-alaman na bukas 24 oras ang kapitolyo para sa public viewing.

Samantala nakatakda naman ilipat sa kanilang bahay ang labi ni Degamo sa Linggo, Marso 12 at ililibing sa Marso 16.