-- Advertisements --

Kinumpirma ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr na kasalukuyang inaayos ang kontrata sa isang exhibition match sa Japanese promotion na Rizin.

Sinabi nito na kung hindi maihahabol ngayong taon ay maaaring sa 2021 na ito maisasakatuparan.

Iginiit nito na retirado na ito at hindi rin sasabak sa Mixed Martial Arts.

Magugunitang noong 2018 ng nakaharap niya sa exhibition game si Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa at nanalo ito sa first-round technical knockout.

Nag-uwi ito ng $9 million bilang panalo sa nasabing laban.