-- Advertisements --

Dismayado ngayon ang mga boxing fans sa anunsyo ni retired American superstar Floyd Mayweather Jr. na mayroon itong business venture sa isang betting company.

Marami kasing mga tagahanga ang umasa na tutungtong muli sa boxing ring si Mayweather mula sa pagiging retirado.

Naging ugat din ito ng mga agam-agam na nakatakda ring ianunsyo ng ng dating pound-for-pound king ang isang rematch kontra sa karibal nitong si Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao.

Pero sa isang promotional video, sinabi ni Mayweathe na makikipag-partner daw ito sa fantasy sports app na Daily Number matapos ang masusing diskusyon sa kanyang team.

“After careful consideration and discussion with my team, I will be joining Daily Number in 2019—the baddest mother*s in the game,” wika ni Mayweather.

“My next opponent is Draft Kings. That’s right, we coming for the crown. Considering my partnership with Daily Number, fantasy sports will never be the same. I change the game with everything I touch, whether it’s boxing, gyms, you name it… and now fantasy sports. I put my money where my mouth is.”

Matatandaang huling sumabak sa isang official bout si Mayweather noong Agosto 2017 kung saan pinatulog nito si UFC star Conor McGregor sa pamamagitan ng isang 10th round technical knockout.

Makaraan naman ang mahigit isang taon, lumahok ang 42-year-old icon sa isang boxing exhibiton kontra kay Tenshin Nasukawa ng Japan.