-- Advertisements --
Ibinunyag ni UFC President Dana White na mayroong silang nilulutong laban para kay retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr.
Sinabi nito na kailangan lamang niya ng kaunting panahon at para maisakatuparan ang muling paglaban ni Mayweather.
Magugunitang huling lumaban si Mayweather sa isang 3-round exhibition fight kay Japanese star Tenshin Nasukawa.
Nahiwatigan din ng interest sa pagbabalik sa laban ang 43-anyos na si Mayweather sa pamamagitan ng pag-post nito sa kaniyang social media ng ginagawa nitong pagsasanay gaya ng shadow boxing.