-- Advertisements --

Itinuturing ni US retired boxing champion Floyd Mayweather na siya ang nagpasimula ng mga exhibition fight.

Itinutukoy nito ang nakatakdang pagharap nina boxing legend Mike Tyson at Roy Jones Jr.

Sinabi nito na malaki ang ambag nito sa pagsasagawa ng mga exhibition fight dahil mula ng nagretiro na ito ay lumalaban pa rin ito.

Inihalimbawa nito ang laban niya sa Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa noong 2018 at ang posibleng gaganapin isa pang exhibition fight sa Japan.

Tiniyak naman ito na manonood ito sa laban nina Tyson at Jones dahil iniidolo niya ang mga ito.