-- Advertisements --

Muling sasabak sa boxing si retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Gaganapin ang kaniyang laban sa Pebrero 2021 sa Japan.

Hindi naman binanggit ng organizer kung ano ang ruling na kanilang ipapatupad.

Nauna ng kinumpirma ni Mayweather ang pagsasagawa niya ng exhibition fight sa Japanese kickboxer pero hind na nito idinetalye pa ang laban.

Noong nakaraang linggo ay nagpost ito ng video sa kaniyang social media at nagpahiwatig ng kaniyang muling paglaban.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na sasabak si Mayweather sa exhibition fight dahil noong 2018 ay nakalaban niya si MMA star Tenshin Nasukawa .