-- Advertisements --
Naglatag si US boxing champion Floyd Mayweather ng kaniyang nais na premyo sakaling humirit ng rematch si UFC star Conor McGregor.
Sinabi nito na kapag ipilit ng Irish fighter ang muling paglaban nila ay dapat ay bayaran siya ng $300 million.
Maging si Khabib Nurmagomedov ay kaniyang hinamon kung saan papayag lamang ito basta bayaran siya ng $300-M .
Magugunitang nakaharap na ni Mayweather si McGregor noong 2017 kung saan tinalo niya ito.