-- Advertisements --
American boxing champion Floyd Mayweather, Jr. visits Boracay Island

Mas prayoridad na raw ngayon ni retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr. ang kaniyang pamilya kaya malabo na itong makabalik pa sa boxing ring.

Sinabi ng undefeated American boxer, sakaling magbalik siya sa ring ito ay mas pagtutuunan na lamang daw ng pansin ang pagtuturo sa mga batang boksingero.

Giit pa nito, masaya na siya sa pagiging negosyante at sapat na aniya ito sa kaniyang kita.

Nauna rito tila tinanggal na sa listahan ni Manny Pacquiao sa posibleng susunod na makakalaban kung saan nasa shortlist na ngayon ay sina Keith Thurman, Danny Garcia at WBC champion Shawn Porter.