-- Advertisements --

Pinatulan na ni retired boxing champion Floyd Mayweather ang naging hamon ni YouTube star Logan Paul.

Makailang beses na kasing hinamon ng 25-anyos na si Paul ang 43-anyos na si Mayweather na magharap sa boxing ring.

Sinabi ni Mayweather na nais niyang isagawa na ang laban sa lalong madaling panalo.

Gaya aniya sa ginawa niya noon kay UFC star Conor McGregor ay ganun din ang gagawin nito kay Paul.

Magugunitang nagpahayag ng pagbabalik sa boxing si Mayweather kung saan gagawin ito sa Japan.