-- Advertisements --
Tiniyak ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr na tutulungan niya ang mga tao na naapektuhan ng coronavirus.
Sinabi pa nito na hindi na niya isasapubliko ang kaniyang gagawing pagtutulong dahil sanay naman itong gawin kahit walang mga camera.
Aminado ang 43-anyos na boksingero na may mga pinagdadaanan.
Ilan sa mga dito ay magkasunod na pagkamatay ng dating kasintahan niyang si Josie Harris at tiyuhin nitong si Roger Mayweather noong Marso.