Naniniwala si one-time welterweight champion Adrien Broner na matutuloy ang rematch sa pagitan nina boxing superstars Floyd Mayweather Jr. at Sen. Manny Pacquiao.
Reaksyon ito ni Broner kasunod ng patutsadahan nina Pacquiao at Mayweather sa social media, na umabot pa sa puntong naghamon na ang fighting senator na muli silang magtuos sa ibabaw ng ring.
“Floyd going to f*** buddy up,” ani Broner. “It might be worse [this time]!”
“They’ll fight again. That’s why they doing all this cappin’. They’ll fight again. Floyd going to beat his ass again … Floyd going to f*** him up again and they both going to retire.”
Nagsimula ang isyu nang batikusin ni Mayweather si Pacquiao dahil sa aniya’y paggamit sa kanyang pangalan para gumawa ng gimik at “clickbait” para sa mga internet post.
“My take on all this bullshit is that y’all are just upset that I broke Rocky Marciano’s record and hate the fact that a Black, high school dropout outsmarted you all by beating all odds and retiring undefeated while maintaining all my faculties simply by making smart choices and even smarter investments,” ani Floyd sa kanyang statement.
Mistulang hindi nagustuhan ng Pinoy ring icon ang paggamit din sa pangalan niya ni Mayweather samantalang ito naman ang pumunta sa kanyang laban nitong nakalipas na Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas sa banggaan nila ni Keith Thurman.
Dahil dito ay napikon si Pacquiao at hinamon si Mayweather sa isang rematch upang patunayang “relevant” pa ito.