-- Advertisements --
(c) Rajon Rondo

Inirehistro ni Alex Caruso ang kanyang career-high na 23 points upang makatulong sa 130-102 pagtambak ng Los Angeles Lakers sa New Orleans Pelicans.

Hindi rin nagpaawat sina JaVale McGee na kumamada ng 23 points at 16 rebounds, at ang dating Pelican na si Rajon Rondo na may 24 points at 12 assists para sa Los Angeles.

Kapansin-pansin din na hindi nasilayan ang superstars ng bawat koponan: si LeBron James ng Lakers at Anthony Davis ng New Orleans.

Namayani naman ang 17 points ng dati namang Laker na si Julius Randle para sa New Orleans bago ito umalis sa laro para sumailalim sa X-ray.

Isinalpak ni Caruso ang 12 sa kanyang kabuuang puntos sa third quarter, kung saan na-outscore ng Lakers ang Pelicans 44-22 upang buksan ang 105-84 abanse.