Determinado umano si UFC superstar Conor McGregor na makapagbulsa ng world title sa boxing bago ito tuluyang magretiro.
Ayon kay McGregor, nais niya raw na mangyari ito sa niluluto nilang bakbakan ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.
Una nang sinabi ng Irish fighter na nasa “advanced stage” na raw ang mga negosasyon kaugnay sa posibilidad ng laban kay Pacquiao, na maaari umanong mangyari ngayong taon.
“I know that talks are intensifying for [a fight] this year. I am excited for a Manny Pacquiao bout and it looks like it will happen this year. What time this year? I am not sure,” wika ni McGregor sa isang panayam.
“We’ll have to have some good discussions with [UFC President] Dana White and the UFC and see where it goes. I am open to it all, ready for it all. I will certainly attain a boxing world title before I call it a day. And I would be excited to do that against Emmanuel Pacquiao.”
Una nang sinabi ni White na dapat munang ituon ni McGgregor ang kanyang atensyon sa MMA ngayong 2021 dahil naniniwala itong may title fight na maaaring malahukan ang “The Notorious.”
Nakikipag-usap na raw ang UFC boss kay Khabib Nurmagomedov na magbalik makaraang magretiro ang lightweight champion noong 2020 matapos ang kanyang title defense kontra kay Justin Gaethje.
“I would love to see him focused on what he can do here at the UFC. Whether it takes another shot at that title against Khabib [Nurmagomedov] or fight for the title against somebody else if Khabib retires and defend that title,” ani White.
Kapwa na pumayag sina Pacquiao at McGregor na harapin ang isa’t isa, ngunit hindi pa napaplantsa ang ilang mga detalye ng kanilang sagupaan.