Kinumpirma ng UFC superstar na si Conor McGregor na pinirmahan na niya ang kontrata sa magaganap na laban kontra sa retired at unbeaten boxing champion na si Floyd Mayweather Jr.
Ginawa ni McGrgeor ang pagkumpirma sa kanyang website.
Tinawag niya itong “record breaking deal” at “makasaysayan” kasabay ng pasasalamat sa mga grupo na naging daan para mabuo ang kontara.
Una nang iniulat noon ng UFC president na si Dana White na ang laban ay maaaring magbigay ng $100 million na premyo kay Mayweather habang nasa $75 million naman kay McGregor.
Sa kabila nito inaasahan pa ring dadaan sa mahabang pagplantsa ang kasunduan lalo na at bibihirang pangyayari na magtutuos ang isang mixed martial arts master at boxing star.
Sinabi na rin ni Floyd, 40, na tutuldukan niya ang pagretiro dahil siya ay negosyante.
Gusto rin daw niyang ibigay ang gusto ng mga fans at ito ay makaharap si McGregor, 28.
“It is an honor to sign this record breaking deal alongside my partners Zuffa LLC, The Ultimate Fighting Championship and Paradigm Sports Management,” ani McGregor sa website na TheMacLife.com. “The first, and most important part of this historic contract has now officially been signed off on. Congratulations to all parties involved. We now await Al Haymon and his boxer’s signature in the coming days.â€