Nanguna umano ang kontrobersiyal na Irish mixed martial arts (MMA) superstar na si Conor McGregor bilang world’s highest-paid athlete sa nakalipas na taon
Sa annual Forbes list na inilabas ngayong araw, sa nakalipas daw na 12 buwan kumita si McGregor ng $180 million, kabilang na ang ang $158 million mula sa mga endorsement at pagbebenta niya sa kanyang majority stake sa isang whisky brand.
Kung maaalala muntik nang makalaban sana ngayong taon ni Senator Manny Pacquiao si McGregor kung hindi lamang natalo sa kanyang huling laban ang MMA star noong buwan ng Enero.
Samantala, tinukoy din ng Forbes ang mayayamang mga football superstars na sina Barcelona at Argentina forward Lionel Messi bilang highest-earning soccer player na kumita ng $130 million, habang ang Portugal at Juventus forward na si Ronaldo ay pangatlo sa $120 million na kinita.
Nasa panglima namang puwesto ang four-time NBA champion na si LeBron James na kumita ng $96.5 million.