-- Advertisements --
Conor McGregor
Conor McGregor/ IG post

Inanunsiyo ni UFC star Conor McGregor ang muling pagbabalik niya sa laban.

Ayon sa Irish fighter, gaganapin ang laban nito sa Enero 18 sa T-Mobile Arena.

Hindi naman na nito binanggit pa kung sino ang makakalaban niya.

Huling lumaban ito noong October 2018 ng talunin siya ni Khabib Nurmagomedov.

Matapos ang anim na buwan ay pinagbawalan ito na lumaban at pinagmulta ng $50,000 matapos na magsangkot sa isang post-fight brawl.

Matapos aniya ang laban sa Enero 18 ay nais niyang labanan ang sinumang manalo sa pagitan nina Nate Diaz at Jorge Masvidal.