-- Advertisements --
Hindi pa rin tumitigil si UFC star Conor McGregor na kumbinsihin si Manny Pacquiao na makalaban siya.
Isinagawa nito ang tila pag-kantiyaw ng batiin siya ni fighting senator sa kaniyang kaarawan.
Sinagot ng Irish fighter na pasasalamat na may numerong 170.
Ibig sabihin nito na nais ni McGregor na harapin ang Filipino boxing champion sa 170 pounds weight limit.
Kasalukuyan kasing lumalaban si Pacquiao sa 147 pounds.
Magugunitang nagpahayag na rin ng interest ang boxing champion sa dating UFC champion.