-- Advertisements --
Conor McGregor
McGregor/ IG post

Muling nagpahiwatig ng kaniyang pagbabalik sa si retired mixed martial arts champion Conor McGregor.

Sa kanilang social media post, inilagay lamang niya ang petsa na December 14 at Dublin.

Dahil dito ay maraming mga MMA fans ang nahiwagaan at sinabing malaki ang posibilidad nito na muling makabalik sa laban.

Huling lumaban ang Irish fighter noong Oktubre 2018 ng talunin siya ni Russian mixed martial artist Khabib Nurmagomedov.

Nitong Marso ay pormal ng inanunsiyo ni McGregor ang kaniyang pagreretiro.