Makalipas ang halos dalawang taon ay hindi pa rin maka-move on si UFC superstar Conor “The Notorious” McGregor sa kanyang pagkatalo sa retired boxing champion na si Floyd Mayweather Jr.
Kung maaalala, August 2017 sa unang professional boxing debut ni McGregor ay tinalo siya sa 10th round ni Mayweather.
Inamin ni Conor, hindi siya handa nang magbago ng adjustment si Mayweather ng kanya itong makaharap sa ring.
Ang inaasahan daw niya na istilo ni Floyd ay hindi niya nakita.
Sa kasagsagan daw ng kanyang training ay nasentro ang ensayo niya kung papaano haharapin ang defensive style ng undefeated boxer.
Pero nagulat daw siya nang mag-switch si Mayweather tungo sa Mexican boxing style na iba sa napagpraktisan nila ng kanyang sparring partners.
Nagyabang naman si McGregor na kung magkaroon muli sila ng rematch ay tatalunin na niya ito.
Ibang mga sparring partners na raw na kabisado ang mga istilo ang kanyang gagamitin upang hindi na siya maisahan ni Floyd.
Kung maaalala huling lumaban si McGregor ay noong buwan ng Oktubre nang matalo siya via submission kay Khabib Nurmagomedov.
“The approach caught me off guard. I was not prepared for it. I was not used to it and he walked me down and ended up getting the stoppage. The referee I felt could have let it go, I would have liked to see the end of the round, get my breathing back, get a little more comfortable,” ani McGregor sa podcast ng motivational speaker na si Tony Robbins.