-- Advertisements --
Matagumpay ang isinagawang operasyon sa napilay na binti ng UFC star na si Conor McGregor.
Umabot sa halos apat na oras ang operasyon sa hita sa Cedars-Sinai hospital sa Los Angeles.
Ayon sa mga doktor na sumuri dito, nilagyan nila si McGregor ng tila bakal sa kaniyang tibia at fibula na mayroong plates at screws.
Magugunitang natamo ni Conor ang lower leg injury sa laban niya kay Dustin Poirier sa UFC 264 nitong nakalipas na Linggo sa kanilang 3rd match.