-- Advertisements --

Pumayag na si UFC champion Conor McGregor na magbigay ng $500,000 na donasyon sa charity para makalaban si Dustin Poiriers.

Kasunod ito sa naging hamon ni Poirier na dapat magbigay ng donasyon ang Irish fighter sa kaniyang “Good Fight” foundation.

Nagbigay lamang ng donasyon si McGregor sa Boys & Girls Club of Acadiana sa Lafayette,
Louisiana kung saan isinilang at lumaki si Poirier.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang reaksyon si Porier sa ginawang ito ni McGregor.