-- Advertisements --
Tinanggap na ni dating UFC featherweight at lightweight world champion Conor McGregor ang hamon ni dating interim lightweight champion Dustin Poirier.
Sa kaniyang Twitter, kinumpirma ng Irish fighter ang nasabing pagtanggap nito ng hamon.
Nagbigay pa ito ng mga petsa kung saan puwede niya makaharap si Poirier.
Ito ay sa Nobyembre 21, December 12 at 19.
Ibibigay niya bilang donasyon ang $500,000 sa The Good Fight Foundation.
Unang nagharap ang dalawa noong 2014 kung saan tinalo ni McGregor si Poirier sa pamamagitan ng first-round technical knockout sa UFC 178.
Tinalo naman ni Poirier ang mga malalaking pangalan sa UFC gaya nina Eddie Alvarez, Anthony Pettis, Justin Gaethje at Max Holloway.