-- Advertisements --

Tinanggap na ni Conor McGregor ang laban kay Dustin Poirier.

Sa kaniyang Twitter, inanunsiyo nito na gaganapin ang laban nila sa Enero 23 na posible sa Dallas Cowboys’ AT&T Stadium.

Sumagot naman si Poirier at tinanong kung anong weight division sila maghaharap.

Huling nagharap ang dalawa noong 2014 kung saan tinalo ni McGregor ang US fighter sa unang round.