VIGAN CITY- Sugatan ang isang empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Tagudin, Ilocos Sur matapos itong paluin sa ulo ng isang lasing na lalaki sa Barangay Sawat, sa nasabing bayan.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan kay Police Chief Master Sergeant Joseph Jimeno, sinabi nito na napagkamalan lamang ng suspek na si Edson Capablanca Leal, 28-anyos at residente ng nasabing barangay ang biktimang si Nheljum Defiesta Natividad, 24- anyos, miyembro ng Tagudin MDRRMC at residente ng Pudoc East, Tagudin na sinisilipan umano nito ang mga kamag-anak nitong naliligo sa dagat.
Dahil dito, nang nagroroving sa gilid ng dagat ang biktima, kasama pa ang isang kasamahan nito, bigla na lamang umanong lumapit sa kaniya ang suspek at saka pinalo ang ulo nito ng isang matigas na bagay.
Naitakbo sa Ilocos Sur District Hospital- Bio, Tagudin ang biktima samantalang ang suspek naman ay hinuli ng mga otoridad.