NAGA CITY – Kasalukuyang isinailalim sa lockdown ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Baao, Camarines Sur.
Batay sa inilabas na opisyal na pahayag, napag-alaman na naka-quarantine na rin ang mga personnel ng naturang opisina sa isang quarantine facility.
Ito ay matapos mabatid na isang empleyado ng MDRRMO ang nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 kung saan agad namang isinailalim sa swab testing.
Ngunit kung sakali namang lumabas na negatibo sa naturang sakit ang pasyente, ay agad naman umanong tatapusin ang kanilang quarantine period.
Sa ngayon, hinihitay na lamang ang resulta ng swab test ng naturang mga indibidwal.
Samantala, habang naka-quarantine, pansamantala munang reresponde sa mga emergency ang Emergency Response Office (EDMERO), Municipal Health Office (MHO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) sa naturang bayan.