Ikinababahala ngayon ng mga naninirahan sa Brooklyn, New York ang pagdedeklara nito ng public health emergency patungkol sa measles outbreak sa bansa.
Ito ay matapos obligahin ang lahat na magpa bakuna lalo na sa mga apektadong lugar sa Brooklyn kung hindi ay maaari silang humarap sa kaso.
Ayon kay Mayor Bill de Blasio, mas lalo pang tumaas ang bilang ng measle cases sa bansa mula noong 2017 na mayroong 285 cases simula noong Oktubre. Naitala naman ang pinaka malaking measle outbreak sa New York noong 1991 kung saan apektado ang karamihan ng Orthodox Jewish community.
Ang nasabing virus ay lubhang nakakahawa at maaaring mauwi sa seryosong komplikasyon at pagkamatay. 39 sa mga pasyente ay puro bata, 21 katao naman ang nasa ospital at lima sa mga ito ay nasa intensive care unit.
Patuloy pa rin ang pagsusuri sa vaccination records ng mga opisyal ng Department of Health sa Brooklyn upang matukoy ang mga taong hindi pa nagpapabakuna at may direct contact umano sa mga pasyente.