-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Mahigit 1,500% na ang itinaas ng reported cases ng measles o tigdas sa lalawigan ng Negros Occidental sa kalagitnaan ng 2019 kung ikukumpara sa parehong period nakaraang taon.
Sa Health Surveillance System ng Provincial Health Office simula Enero 1 hanggang Hunyo 15 o Morbidity Week 24, mayroon nang 772 reported cases ng measles sa lalawigan.
Mataas ito ng 1,695% kung ikukumpara sa 43 cases lamang sa parehong period noong 2018.
Nangunguna sa may pinakaraming reported cases ang San Carlos City na may 93 habang ang Valladolid naman ang may pinakamababa na umaabot lamang sa lima.
Sa 772 reported cases, 68 dito ang kumpirmadong tigdas at umaabot na sa lima ang patay.