-- Advertisements --
IMAGE | Health Sec. Francisco Duque III

TUGUEGARAO CITY – Sisimulan na umano ng Department of Health (DOH) ang pagtanggal sa tigdas outbreak sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ito’y dahil bumaba na ang kaso ng tigdas sa Pilipinas.

Sinabi ni Duque na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna

Umaabot na aniya sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa.

Kaugnay nito, patuloy daw ang gagawing monitoring ng ahensiya sa mga lugar na malaki ang bilang na tinamaan ng tigdas sa Pilipinas.