-- Advertisements --
Nakatakdang maabot na sa panibagong record high ang meat import sa bansa.
Sa buwan pa lamang kasi ng Setyembre ay umabot na sa one milyoon metric tons ang imports dahil sa pagtaas ng mga bumili ng mga karne ng baboy at manok.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) na ang meat imports mula Enero hanggang Setyembre ay umabot na sa 1.039 milyon metric tons.
Ito ay mas mataas na 12.64 percent na naitala sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Ang siyam na buwan na volume ay mayroong 165,000 metric tons lamang na kulang para mapantayan ang full-year meat import volume ng 2023 na mayroong 1.204 milyon metric tons.