Magpapakalat umano ng mga “meat sniffing” dogs ang Department of Agriculture (DA) sa lahat ng mga international airports sa buong Pilipinas.
Ito ay kasunod na rin ng dalang banta sa Pilipinas ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, 15 German Shepherds mula sa K9 Field of Dreams ng lungsod ng Talisay, Negros Occidental ang ikokomisyon ng Bureau of Animal Industry matapos sumailalim sa area familiarization ang mga aso.
“This developed as the Department of Agriculture issued an order banning the entry of pork and pork products from Cambodia following a reported outbreak of the African Swine Fever in that country,” wika ni Piñol.
Aprubado na rin umano ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang request ng DA para sa deployment ng K9 unit.
“The initial batch of K9s, all German Shepherds, will be stationed in areas before the Customs counter of the International airports,” anang kalihim.