-- Advertisements --

CAUAYAN CITY– Apektado na ang mga nagtitinda ng karne ng baboy sa pribadong pamilihan ng Cauayan City dahil sa pagkumpirma na ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA na nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng Judith Dalmacio, treaurer sa meat section sa pribadong pamilihan, sinabi niya na apektado na sila sa kanilang pagbebenta ng karne ng baboy dahil sa ASF.

Sa apat na baboy aniyang kinakatay nila sa bawat araw, ngayon ay naging tatlo na lamang.

Ilan na rin aniya sa kanilang mga suki ay hindi na bumibili ng karne ng baboy kundi manok na lamang.

Binibili aniya nila ang mga kinakatay nilang baboy sa mga backyard raisers dito sa lalawigan.