-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang mga kalagayan ng overseas Filipino workers (OFW) at mga migrants na nasa Taiwan.

Kasunod ito na sa susunod na mga araw ay doon mananalasa ang bagyong Julian.

Nakatanggap sila ng mga ulat na may mga nagsasagawa na ng mga panic buying.

Hinikayat nila ang mga Filipino organizations sa Taiwan na makipagtulungan sa kanilang opisina.