-- Advertisements --
Nakikipag-ugnayan na ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan para malaman ang kalagayan ng isang Filipino na hindi pa nakikita matapos ang pagbagsak ng tulay.
Sinabi ni MECO director for administration Gerry De belen, may mahigpit silang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Taiwan para mailigtas ang biktima.
Nauna nang nailabas ang bangkay ng dalawang Pinoy na sina Andree Serencio at Gorge Impang habang ang nawawala ay nakilalang si Romulo Escalicas Jr.
Tiniyak naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbibigay sila ng tulong sa pamilya ng mga biktima.