
Tiniyak ni Manila Economic and Cultural Office Chair Silvestre Bello III ang kaligtasan ng mga Pinoy na nasa Taiwan.
Ito ay sa likod pa rin ng nagpapatuloy na tension sa Taiwan Strait, kasama na ang mainit na presidential election sa buwan ng Enero, 2024.
Ayon sa dating Labor Secretary, nakausap niya ang ilang mga pinuno ng Taiwan at tiniyak umano ng mga ito na ligtas ang mga Pinoy sa kabuuan ng teritoryo nito, kahit pa lalong lumala ang panggigipit ng China.
Ayon kay Bello III, welcome din umano ang mga pinoy sa mga nakareserbang bomb shelters sa buong taiwan na unang ipinatayo ng gobierno nito, at magagamit sa panahon ng giyera.
Ginawa aniya ng mga Taiwanese authorities ang pagtitiyak sa kanya, upang makumbinsi ang pamahalaan ng Pilipinas, na payagan lamang ang mga pinoy na manirahan at magtrabaho sa Taiwan.
Maalalang una na ring tiniyak ng Department of National Defense at ng Department of Migrant Workers ang mahigpit na ugnayan para sa contingency plan, dahil sa lumalalang sitwasyon sa pagitan ng Taiwan at China.