BUTUAN CITY – Epektibo na kaninang alas-12:01 ng madaling araw ang pagsasailalim sa buong probinsiya ng Agusan del Sur sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na tatagal hanggang Setyembre 10 ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Alfredo Nonoc Plaza, tagapagsalita ng Agusan del Sur provincial government, napagkasunduan ito sa isinagawang avirtual meeting ni Governor Santiago “Santi” Cane kasama ang mga miyembro ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF).
Ayon sa opisyal, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay punuan na ang kanilang mga ospital pati na ang kanilang mga quarantine at isolation facilities at pinangangambahan na nila kung saan ilalagay ang mga pasyenteng madadapuan pa ng nakamamatay na coronavirus.
Ilalim sa MECQ restrictions, mahigpt na ipapatupad ang curfew hours, bawal ang pagtitinda ng mga nakakalasing na inumin, bawal din ang pagtitipon at ang paglabas ng bahay sa mga nasa edad 18-anyos pababa at 65-anyos pataas pati na ang mga buntis at may comorbidities.