NAGA CITY- Posibleng palawigin pa ang pagsasailalim sa Modified Enhnced Community Quarantine (MECQ) ng lungsod ng Naga.
Ito ang naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.
Aniya, kung titingnan ang mga pinapatupad na quarantine classification sa loob ng bansa, palagi aniya itong pinapatagal ng pamahalaan.
Ngunit kung si Legacion ang tatanungin, ayaw nitong pahabain pa ang MECQ sa lungsod.
Dahil dito, tinipon ng alkalde ang ibat-ibang ahensiya na tutulong sa pagpapatupad ng mga kaukulang guidelines kaugnay ng ibinabang kautusan.
Kasali na dito ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard (PCG)-CamSur, Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga, Public Safety Office (PSO), at iba pang ahensiya.
Sa ngayon, umaasa na lamang ang alkalde na sa pamamagitan ng pagsailalim sa MECQ ng lungsod, bababa na ang kaso ng nakamamatay na sakit na naiitala sa nasabing lugar.