Handa ang pamahalaang lungsod ng Maynila na tumanggap ng mga aplikasyon mula sa iba pang mga unibersidad at paaralan na nag-aalok ng medical programs para magsagawa ng face-to-face classes.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa ngayon tanging ang University of Santo Tomas (UST) ang nag-apply at pinayagang makapagsagawa ng in-person classes para sa kanilang medical at allied health programs.
Posible rin aniyang pahintulutan ng city government ang mga maliliit na nursing schools na magsagawa ng face-to-face classes basta’t masusunod ang mga guidelines na ipinatupad ng Commission on Higher Education (CHED).
Maaari rin ayon sa alkalde na mag-alok ng libreng swab testing para sa mga medical students na dadalo sa face-to-face classes.
Ito aniya ay para mapanatag din ang mga mag-aaral, at ginawa rin daw itong libre upang hindi na dumagdag sa gastusin ng mga estudyante.