-- Advertisements --
Tokyo Olympics medal
Tokyo 2020 Olympic medals (courtesy from Tokyo 2020)

Agad na umani ng positibong reaksiyon sa maraming sektor ang naging anunsiyo ng Japan na ang mananalong atleta sa Tokyo Olympics sa susunod na taon ay tatanggap ng mga medalya na gawa sa mga lumang cellphones at electronics.

Nabuo ang desisyon matapos ang isinagawang nationwide competition sa Japan mula sa 400 mga entries.

Sinasabing ang medalya ay 8.5 centimeters ang diameter at may mukha ni Nike ang Greek goddess of victory.

Tinatayang nasa 5,000 mga medalya ang bubuuin na kinabibilangan ng gold, silver at bronze.

Ito ay gawa sa copper at zinc at hinaluan ng mga donasyon na mga lumang cellphones at ibang pang electronics.

Ang gold plated na bawat medal ay meron ding inihalo na 6 grams ng pure gold.

“I never dreamed that the design I submitted, only as a memorial to this lifetime event, would be actually selected,” ani statement ni Junichi Kawanishi na napili ang medal design. “With their shining rings, I hope the medals will be seen as paying tribute to the athletes’ efforts, reflecting their glory and symbolizing friendship.”